TEKNIKAL BOKASYONAL NA SULATIN


TEKNIKAL BOKASYONAL NA SULATIN




 Ang Teknikal Bokasyonal na Sulatin ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Ito ay payak, tumpak, kumpleto ang impormasyon, malinaw, di-emosyonal at obhetibo.

Layunin nitong makapagbigay alam, makapag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon at manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.

Ang mga gamit ng Teknikal Bokasyonal na pagsulat ay upang maging batayan sa desisyon ng namamahala, magbigay ng kailangang impormasyon, magbigay ng instrukto,mapaliwanag ang teknik, mag-ulat ng natamong achievement, mag-analisa ng suliraning bahagi, matiyak ang pangangailangan ng desisyon at sistema, makabuo ng produkto, at makapagbigay ng serbisyo.

Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:

Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at  ang sulating di-pormal.  Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita.  Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal.  Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

Mga Halimbawa ng Pagsulat:

  1. Editoryal                       
  2. Lesson plan                   
  3. Konseptong papel         
  4. Marketing plan              
  5. Pamanahong Papel                 
  6. Feasibility study
  7. Sanaysay
  8. Bibliographi
  9. Tula
  10. Balita
Halibawa ng TULA sa konseptong papel:

PAG-IBIG

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!
Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;
pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,
parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,
umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,
ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

ARTHUR PIABOL GRADE-XII FLAMINGO

Comments