Posts

Showing posts from October, 2020

TEKNIKAL BOKASYONAL NA SULATIN

Image
TEKNIKAL BOKASYONAL NA SULATIN   Ang Teknikal Bokasyonal na Sulatin ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Ito ay payak, tumpak, kumpleto ang impormasyon, malinaw, di-emosyonal at obhetibo. Layunin nitong makapagbigay alam, makapag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon at manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon. Ang mga gamit ng Teknikal Bokasyonal na pagsulat ay upang maging batayan sa desisyon ng namamahala, magbigay ng kailangang impormasyon, magbigay ng instrukto,mapaliwanag ang teknik, mag-ulat ng natamong achievement, mag-analisa ng suliraning bahagi, matiyak ang pangangailangan ng desisyon at sistema, makabuo ng produkto, at makapagbigay ng serbisyo. Mga Uri ng Gawaing Pagsulat: Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at  ang sulating di-pormal.  Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaarin